Aabot sa anim na tao ang patay habang sampu ang sugatan matapos nagkabangga ang isang Toyota passengers van na HI ACE at ang military fighting vehicle na SIMBA sa Purok 15, National Highway, sa bayan ng Manticao Misamis Oriental kagabi.

Inihayag ni PO2 Mario Aminion Jr. ng Manticao Municipal Police Station na limang ka tao na sakay ng nasabing van ang dead on the spot habang dead on arrival naman sa pagamutan ang isa pang biktima.

Kinilala ang driver ng HI ACE van na si Hadji Amin Bangcola na siya ring may-ari habang kinilala naman ang driver ng SIMBA na si Staff Sergeant Danny V. Tenezo.

Sa isinagawang inisyal na imbestigasyon, inihayag ni PO2 Aminion na head on coalition ang nangyaring insidente.

Dagdag pa nito na convoy ang limang fighting military vehicle mula lungsod ng Iligan patungo sa Laguindingan Airport upang kumuha ng logistical supply nang nag overtake ang lead car ng militar at nabangga ang nakasunod na SIMBA A6030 sa HI ACE van na mula Cagayan de Oro.

Kabilang rin sa sugatan ang driver ng motorsiklo na na side swipe sa nasabing banggaan.

Napag-alaman na isa sa sugatan sa nasabing insidente ang isang siyam na taong gulang na bata.

Sa ngayon ay patuloy pa ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente habang patuloy rin na ginagamot ng mga doktor ang mga sugatang biktima.

Source: 102.5 BrigadaNews Fm Cagayan De Oro
Image Source: sunstar.com.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *